Lunes, Pebrero 10, 2014

Cat


               Ang hayop na ito ay lubos na kilala ng mga tao sa kani-kanilang ugali at may iba't iba silang itsura at kulay ng balahibo. Ang hayop na ito ay mdalas na alagaan sa pagkat sila ay natuturuan at di sila tulad ng ibang hayop na agrisibo. May mga katangian din silang minsan ay wala sa ibang mga hayop, tulad ng paghuhukay sa lupa, upang tabunan ang kanilang mga dumi, sila rin ay nakakatulong sa pagsugpo ng pagdami ng mga insekto at daga sa mga kabahayan, ngunit sinasabing ang kanilang balahibo ay nakakasama sa kalusugan ng tao lalong lalo na ang mga bata, dahil madaling malagas ang kanilang mga balahibo, at maaring malanghap ito ng mga bata, at ito ay maaaring pagmulan daw ng mga sakit, pero ang bagay na ito ay madaling iwasan sa tamang gabay ng mga magulang kung kaya masasabing ang hayop na ito ay masasabing ligtas alagaan basta’t  nasa tamang paraan. Sila rin ay di masilan sa pagkain, bukod sa  cat food  ay kumakain din sila ng tulad ng pagkain ng mga tao depende rin sa pagkain. Tumatagal ang buhay nila ng SAMPONG TAON (10) o' higit pa. at sinasabing ang pusa daw ay may siyam (9) na buhay,ngunit ito ay, haka-haka lamang. Ang bilang ng hayop na ito ay sapat sa ating bansa, upang masilayan sa kahit saang lugar, lalo na sa kabahayan ng mga tulad kung filipino, hindi sila nanganganib, ganun pa man ang mga hayop na ito ay dapat ituring na parte ng ating buhay, sapagkat sila  rin ay parte na ating mundo upang "mahalin natin at alagaan sa tamang paraan ".


Rabbit


Ang mga hayop na ito ay kilala sa napakaganda nilang balahibo at mapang akit nilang itsura kung kaya may mga taong naiinganyo mag alaga nito. Masasabing ang rabbit ay ligtas alagaan ng mga tao at may mga taong nakasanayan naring mag alaga ng hayop na ito. Ang rabbit ay di tulad ng ibang hayop na mailap at agrisibo, kailangan lang ng sapat na kaalaman tungkol sa kanila.Sila ay nabubuhay lamang sa pagkain, buto ng pakwan at ibang gulay,ang hayop na ito ay kadalasang makikita sa mga lugar na malalamig na klima tulad ng lugar ng (Baguio) at Mountain Province. Subalit sa ngayon  sila ay napaparami narin sa ibat' ibang lugar, bukod sa madali silang paramihin. Masasabing sapat pa ang bilang ng mga hayop dito sa ating bansa. Hindi man sila makikita sa lahat ng lugar, dahil di tulad ng ibang mga hayop na maaring mamuhay sa lahat ng lugar at sila ay napakahalagang parti ng ating mundo tulad natin nilikha ng diyos at may buhay.