Cat
Ang
hayop na ito ay lubos na kilala ng mga tao sa kani-kanilang ugali at may iba't
iba silang itsura at kulay ng balahibo. Ang hayop na ito ay mdalas na
alagaan sa pagkat sila ay natuturuan at di sila tulad ng ibang hayop na
agrisibo.
May mga katangian din silang minsan ay wala sa ibang mga hayop, tulad
ng paghuhukay sa lupa, upang tabunan ang kanilang mga dumi, sila rin ay nakakatulong
sa pagsugpo ng pagdami ng mga insekto at daga sa mga kabahayan, ngunit
sinasabing ang kanilang balahibo ay nakakasama sa kalusugan ng tao lalong lalo
na ang mga bata, dahil madaling malagas ang kanilang mga balahibo, at maaring
malanghap ito ng mga bata, at ito ay maaaring pagmulan daw ng mga sakit, pero
ang bagay na ito ay madaling iwasan sa tamang gabay ng mga magulang kung kaya
masasabing ang hayop na ito ay masasabing ligtas alagaan basta’t nasa tamang paraan. Sila rin ay di
masilan sa pagkain, bukod sa cat food ay kumakain din sila ng tulad
ng pagkain ng mga tao depende rin sa pagkain. Tumatagal ang buhay nila ng
SAMPONG TAON (10) o' higit pa. at sinasabing ang pusa daw ay may siyam (9) na
buhay,ngunit ito ay, haka-haka lamang. Ang bilang ng hayop na ito ay sapat
sa ating bansa, upang masilayan sa kahit saang lugar, lalo na sa kabahayan ng
mga tulad kung filipino, hindi sila nanganganib, ganun pa man ang mga hayop na
ito ay dapat ituring na parte ng ating buhay, sapagkat sila rin ay parte na ating mundo upang "mahalin
natin at alagaan sa tamang paraan ".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento